Ang Pasko Ay Sumapit

By Ding Guevarra |

Katuwa na ang Pasko ay maging karanasan sa bansang hindi sinilangan. Dito, may yelo(snow) at mamang pula ang terno. Sa atin(Pilipinas) may biko at tinderang di abaniko.Dito malamig ang paligid at at tahimik ang gabi, sa atin sa dami ng carolling, nakakabingi ang gabi at balewala ang lamig ng gabi.

Dito, english and batian, “Merrry Christmas” o kaya “Happy Holiday”, sa atin, medyo paloko “mah-li-gha-yang Pas-kow” tagalog ,pero stateside ang dating. Pero ang wala sila, dito, magkikita ang magkatipan ng ubod ng aga sa sambahan,hindi para sumamba, kundi pala para magtanan!!!

Yan ang Pasko sa atin, masaya,maraming katuwaan at minsan, may katabilan.. ngunit higit sa lahat puno ng pag-galang.

Ating kinikilala ang pag-sapit ng Anak ng Dios sa sang kataohan upang sagipin tayo sa ating abang kasalanan. Wika ng ating awit…”Tayo’y mangagsiawit dahil sa sanggol na dulot ng langit…” Ang sanggol na yan na isinilang sa sabsaban ay lumaki at nangaral ng pagsisisi at pagaamuki nang pagbabalik ng sansinukob sa kalooban ng DIOS. “magsipagsisi kayo sapagkat malapit na ang kaharian ng Dios (Mat 4:17) “Magsiparito kayo sa akin, kayo na kayong lahat na nangangapagal at nangabibigatang lubha at kayo’y aking papaghingahin…at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa…”(MAtt 11:28-29).

Hindi nanatiling munting bata ang sanggol na yan. Siya ang Jesukristo na ating Panginoon at mananakop na nabayubay sa Krus ng kalbaryo, nalibing, at, nabuhay na muli upang pagkalooban tayo ng buhay nang kaligtasan at buhay na walang hanggan. Buhay, na sa piling niya ay walang katapusan.

Minsan lang siyang ipinanganak sa sanlubutan at hindi paulit-ulit na nagiging bata sa bawat taon! Minsan nang sumapit ang kapaskuhan at ang sa atin ngayo’y pagdiriwang ng naunang kapaskuhan.Ang Panginoon ay sumilang na, tayo ngayon ang isisilang na muli (Born Again) sa kanya kung tayo’y tutugon sa kanya sa pananampalataya. Na ang Panginoong Jesus, ay Anak ng Dios ,namatay sa Krus ng kalbaryo , nabuhay na muli mula sa mga patay,nakaupo sa kanang kamay ng Ama at muling babalik para kuhanin ang kanyang mga banal at pumasakanyang piling maypakaylan man.

Ang Pasko ay tunay na sumapit. Kung gano’n, ang Panginoong Jesus ay masusumpungan sa inyong puso. Kung wala pa, ikaw ay lkailangan na ipanganak sa kanya. Papaano? Kilalanin mong ikaw ay makasalanan. Kilalanin mong ang kamatayan ni Jesus sa krus ay para sa iyong kasalanan at iyong anyayahan ang Panginoong Jesus sa iyong puso bilang Panginoon at tagapagligtas ng iyong buhay. Idalangin mo ang mga bagay na ito na taimtim sa iyong puso…

“Panginoong Dios, akin pong kinikilala na akoy makasalanan. Aking pinagsisihan ang aking mga kasalanan. Akin pong kinikilala ang iyong pag-ibig sa tulad kong makasalanan, na ang inyong Anak na si Jesus ay namatay para sa aking mga sala. Akin po ngayong binubuksan ang aking buhay, ang aking puso at inaanyayahan ko ang iyong Anak na si Jesus bilang aking Panginoon at mananakop, Amen”

Sa oras na gawin mo yan, ang Cristo Jesus ay mananahan sa iyong buhay.Tunay na sumapit na sa iyo ang ganap na kapaskuhan. Ganyan ang pasko, ALL ABOUT HIM not about you. Hindi ang yelo,hindi ang mamang pula ang terno, hindi rin ang biko,hindi rin ang aleng nakaabaniko,lalong hindi ang magsing-irog na gabing tumakbo,ang paskoy, pagparito ng Cristo upng bigyan tayo ng kaligtasan sa impeyerno. Kaya…..hala …., kanta ” Tayo ay magsiawit………at kahit hindi pasko ay mag-awitan………

  • Tirso

    Ang lalim ng tagalog ninyo Pastor, pero ang mensahe naman ay napaka ganda. Haya-an mo at ito ay i-handog ko sa mga kaibigan ko sa Maryland!

RSS Announcements

Recent Comments

January 2012

Psalm
Exalt Jesus!

Birthdays
  • 2 Hannah J.
  • 3 Juvie C.
  • 10 Michelle V.
  • 12 Benito G.
  • 15 Abigain C.
  • 15 Sarah S.
  • 16 Teresita P.
  • 17 Ron O.
  • 17 Sam (Hong) N.
  • 25 Imelda B.
  • 29 Philip C.

Anniversaries
  • 16 Seggay

Prayer Items
  • America and its national leaders
  • Philippines' awakening to the one true God
  • Peace and prosperity of Israel
  • Pray for all of our members who are traveling to the Phils.
  • Pray for those who are sick, undergoing medical conditions